Ni: Mary Ann Santiago

Kasalukuyang nakaratay sa ospital ang isang babae matapos umanong ipalaglag ang anim na buwang gulang na sanggol sa kanyang sinapupunan sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si “Jane,” 27, ng Claro M. Recto Avenue, sa Sta. Cruz, at posibleng maharap sa kasong induce abortion.

Isinugod sa ospital si Jane ng kanyang nobyong si “Eden,” ng Flerida Street, Acacia, Malabon City, nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan hanggang sa tuluyang duguin, dakong 7:45 ng gabi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), bumili at uminom ng gamot na pampalaglag ang suspek.