Ni Jimi Escala

DIRETSAHANG inamin ni Melai Cantiveros na binalak niyang magparetoke ng mukha noong hindi pa niya nagiging asawa si Jason Francisco.

Kahit desidido na siyang magparetoke, nabago ang plano nang maging mag-asawa na sila ni Jason.

JASON, MELAI AT MGA ANAK copy

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

“Nang nahanap ko na ang partner ko, doon na rin na-realize na kuntento na rin naman ako sa face ko, so wala nang dahilan na kung ano pa’ng gagawin sa akin ng doctor,” natatawang kuwento ni Melai.

Marami palang lumapit sa kanya para sa kung anumang ipapagawa niyang pagbabago sa mukha niya, pero mabuti na lang at naging asawa na niya si Jason.

“Sinasabi nila sa akin dati na dapat daw na ipagawa ko ang ngipin, ipagawa ko ang ilong ko. Sa totoo lang naman talaga, eh, kumbinsido na akong magpagawa pero nang nahanap ko na ang partner ko, eh, bakit pa?

“Kumbaga, ano pa ang dahilan? Nandito na ang asawa ko at na-in love siya sa mukhang ito at sa ngipin ko kaya nakuntento na ako sa kung anumang bonggang-bonggang meron sa mukha ko,” sey ni Melai.

Kaya kung hindi dumating sa buhay niya si Jason Francisco, baka tuluyan nang naipabago ang hitsura niya.

Lahad pa ni Melai, sa pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng asawa ay walang duda na isa siyang tunay na kagandahan, huh!