Ni: Bella Gamotea

Inaasahang mas maraming stranded at undocumented na overseas Filipino workers (OFW) ang mapapauwi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa tulong ng pinalawig na amnestiya ng Kindom of Saudi Arabia.

Ayon kay Undersecretary Dominador Say, may 600 OFW mula Jeddah at Riyadh, ang napauwi noong Hulyo 7 hanggang 9, at marami pa ang nagpoproseso ng kanilang mga papeles.

Kahapon din dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 331 pang undocumented Pinoy mula Jeddah at Riyadh.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration, nasa 6,001 undocumented Pinoy ang napauwi na sa Pilipinas sa ilalim ng Saudi amnesty program.