Ni REGGEE BONOAN

ANG lakas ng ‘arrive’ ng baguhang aktor na si Tony Labrusca. Nakakatatlong linggo pa lang sa ere ang La Luna Sangre pero kaliwa’t kanan kaagad ang pamba-bash sa kanya bilang third wheel nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ginagampanan ni Tony ang karakter ni Jake, anak nina Victor Neri (Frederick) at Ina Raymundo (Veruska) na may gusto kay Kathryn (Malia) kaya laging nakaalalay sa dalaga.

KATHRYN AT TONY copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayaw ng supporters nina Daniel (Tristan) at Kathryn na may ibang kapartner ang huli, kaya hindi tinatantanan si Tony.

Pati Mommy Angel Jones niya ay ipinagtatanggol na siya sa bashers sa social media.

Sa isang event, nanawagan na ang KathNiel na huwag i-bash si Tony dahil trabaho lang ang ginagawa niya.

Kilala namin ang karamihang supporters ng KathNiel na kasama sa malalaking grupo tulad ng KaDreamers World na may mahigit na 20K members, kaya nagtanong kami sa kanila kung ayaw nila si Tony bilang love-triangle ng KathNiel.

“Hindi naman po sa ayaw si Tony, siguro po maganda ‘yung role niya (effective) bilang ka-love triangle kaya ‘yung ibang manonood, pumapatol sa kung anumang nangyayari.

“Halos karamihan po mga hindi kasali sa fan group kasi tulad po sa amin (KaDreamers), once nagsabi po kami na bawal mag-bash, sumusunod naman po sila kasi kadalasan naka-monitor po kami sa kanila,” pahayag ng namumuno sa grupo na si Ms. Agot Sison.

“We have nothing against him (Tony) personally,” sabi naman ng isa pang miyembro na si Ms. Ruby na nasa ibang bansa. “We understand his role in LLS and we do not see him as a threat to Malia and Tristan’s love story and definitely not to KathNiel.”

Binanggit din nila na welcome sa grupo kung ang sinumang makakasama ng KathNiel sa project at suportado nila dahil nauunawaan nilang trabaho lang ang lahat at alam naman nila ang realidad.

Naka-chat din namin ang manager ni Tony na si Mario Colmenares (pinsan ni Angel Locsin) na natatawa na lang sa bashers. Nakahanda na raw sila ng alaga niya sa mga mangyayari. Katunayan, nagpapasalamat sila dahil napasama ang baguhang aktor sa La Luna Sangre at maganda ang exposure.

“Sabi ko naman kay Tony, humanda siya at alam niya kaya nga hindi siya kumikibo, work lang naman. Mas maganda nga ang exposure niya ngayong nagso-solo at hindi napasama sa Boyband PH dahil hindi sila puwedeng maghiwa-hiwalay, at least si Tony, on his own na,” sabi ni Mario.

Anyway, nagtala ang La Luna Sangre ng 35.2% nationwide ayon sa data ng Kantar Media kumpara sa My Love From The Star na 13.6% nitong Martes.