Ni: Leandro Alborote

MONCADA, Tarlac – Patay ang isang helper ng isang karinderya sa Barangay Sta. Lucia West nang makuryente habang naglalagay ng tapal sa bubungan, Miyerkules ng umaga.

Ang nakuryente ay si Mark Joseph Tria, 19, ng Barangay Isidro, Paniqui, Tarlac.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na tumutulong si Tria sa kanyang manager sa karinderya na si Medilito Salvio, 46, na maglagay ng vulca seal sa bubungan.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Di sinasadyang nahawakan ni Tria ang kawad ng kuryente sa gilid ng poste at biglang na lang nangisay.