Ni: PNA

Nakipagtulungan ang EcoWaste Coalition sa mga magulang, estudyante at mga guro ng Sto. Cristo Elementary School sa Quezon City upang isulong ang mga pagkaing sagana sa nutrisyon sa bahay at sa paaralan.

“The move is in support of an order issued by the Department of Education (DepEd), aiming to promote healthy diet and positive eating habits in public schools and at home,” pahayag ni Daniel Alejandre, EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner, sa panayam nitong Miyerkules.

Students of Sto. Cristo Elementary School hold examples of healthy food during an event by EcoWaste Coalition commemorating this Year's Nutrition Month. Photo by Jansen Romero
Students of Sto. Cristo Elementary School hold examples of healthy food during an event by EcoWaste Coalition commemorating this Year's Nutrition Month. Photo by Jansen Romero

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon sa principal ng Sto. Cristo Elementary School na si Antonio Miranda, isinusulong ng aktibidad ang mga naunang proyekto ng paaralan upang palaganapin ang kamalayan sa wastong nutrisyon ng mga estudyante at kanilang mga magulang.

Ani Miranda, sinusuportahan ng paaralan ang greening campaign ng lungsod at pagiging aktibo sa school gardening, upang makita ng mga estudyante ang kahalagahan ng pagkain ng gulay.

“Our school uses vegetables, such as ‘malunggay’, from the school garden in our feeding programs,” aniya at dinagdag pa na sinusunod nila ang DepEd Order na nagsasaad na bawal ang pagtitinda ng junk food at matatamis na inumin sa paaralan.

Pinuri ito ni Aljandre na ipinaliwanag na ang pagpili ng mas masusustansiyang pagkain gamit ang mga sangkap na environment-friendly ay magiging maganda para sa kapaligiran at makakatulong upang mabawasan ang basura sa lungsod.

Naghanda ang mga guro ng pagkain na maaaring iluto ng mga magulang upang baunin ng kanilang mga anak, gamit ang mga gulay na inani sa taniman ng paaraalan at pagkain ng brown rice, na isinusulong rin ng Department of Agriculture.

Naghain ang mga guro ng Brown Rice Ala Spaghetti, Brown Rice Spring Rolls, malunggay veggie mix, Pinawa Brown Cakes, ‘dilis’, Kangkong Embutido, at Moringa veggie patties.

Ipinaliwanag din nila sa mga magulang at estudyante ang DepEd Order No. 13, series of 2017, o ang “Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices”, na may listahan ng mga pagkaing dapat at hindi dapat ibenta sa mga paaralan.

“This activity is a great help for a mother, like me, because I learned different ways to be more experimental in preparing more nutritious food for my children to prevent them from eating processed food, and to instill in them the value of vegetables and brown rice,” saad ni Aileen Sales habang pinapanood ang demonstrasyon ng pagluluto.

Ayon naman kay Julianne Sales, anak niya na Grade 6 student, ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay mahalaga sa katulad niyang bata upang maging alerto at aktibo sa paaralan.