KUNG pagbabasehan ang karanasan ni Coco Martin sa pelikula at sa telebisyon, walang dudang hinog na hinog na siya sa kanyang unang pagsabak bilang direktor ng Ang Panday, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival sa December.

Direk Coco at staff sa set ng 'Ang Panday'

Sa telebisyon, sa loob ng halos isang dekada, napatunayan ni Coco ang buong suporta ng mga Pilipinong manonood dahil ang bawat seryeng ginagawa niya ay laging nangunguna sa rating. Mula sa Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, Walang Hanggan, Iisa Pa Lamang, Juan dela Cruz hanggang ngayon sa Ang Probinsyano, wala nang kailangang patunayan si Coco. Sa katunayan, siya na ang aktor na may pinakamaraming awards at pagkilala sa larangan ng kahusayan.

Pero iilan ang nakakaalam na hindi lang sa harap ng mga kamera nagtatrabaho si Coco. Alam ng lahat ng mga nakakasama niya sa bawat serye, lalo na ang creative people, na malaki ang iniaambag ng aktor sa pagbubuo ng istorya hanggang sa mga kukuning makakasamang artista, at pati kuha ng mga kamera.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya hindi kataka-taka na lumalabas na ngayon ang mga kuwento na metikuloso ang pagdidirihe ni Coco sa Ang Panday.

Huwag na tayong magtaka kung isa sa pinakamagandang pelikula sa 2017 MMFF ang kanyang entry.