Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac- Isang babae ang inaresto sa drug bust sa Barangay Cristo Rey Martes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Jeremias Taruc Jr. ang hinuli na si Maria Teresa Quijano, 27, ng nasabing barangay.

Siya ay nahulihan ng dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng 0.028 at 0.023 gramo ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

'Immediate suspension of work,' ipinag-utos sa lahat ng opisina ng DOLE sa Davao at SOCCSKARGEN