Ni: Tara Yap
ILOILO CITY — Dalawang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Western Visayas ang inilipat ng puwesto.
Sila ay sina Chief Supt. Arnel Escobal at Sr. Supt. Christopher Tambungan ng Police Regional Office (PRO).
Si Escobal, ang PRO deputy director for administration, ay hinirang na bagong chief ng Highway Patrol Group.
Si Tambungan, ang PRO deputy director for operations, ay inilipat sa National Capital Region.
Pinalitan si Escobal ni Sr. Supt. Carlito Feliciano at si Tambungan ni Sr. Supt. Hermino Tadeo.
Nauna rito,19 chiefs of police sa Iloilo, Aklan at Capiz ang pinalitan.
Ayon kay Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng PRO, ang paglipat kina Escobal at Tambungan ay isang promotion at hindi isang parusa.
May mga ugong na inilipat sila dahil hindi nila nahuli si Richard “Buang” Prevendido, ang natitirang drug lord sa Western Visayas.