MAGPAPAWIS. Manalo at makatulong sa Inang Kalikasan.
Bubuhayin ng PTT Run for Clean Energy ang namamatay na adhikain at pagmamahal sa kalikasan sa paglarga ng fun-raising event sa Hulyo 16 (Linggo) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) grounds sa Roxas Blvd. Manila.
“Sa dami ng ating mga gawain sa buhay, hindi lamang ang kalusugan ang ating nakakaligtaan bagkus maging ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. Sa PTT Run for Clean Energy, sisimulan nating baguhin ang mga nakasanayan na nagdudulot nang kasiraan sa ating kalikasan,” pahayag ni Matt Ardina ng organizing Subterranean ideas.
Ang mga kategorya sa fun run ay 10k (P500), 5k (P300) and 3k (P220), kasama na ang race shirt, race bib at giveaways.
Mananalo ng cash prizes at medalya ang mauunang tatlong finishers sa 10k at 5k, habang ang lahat ng runners ay kuwalipikadong manalo sa raffle.
Mga android phones, mountain bike, 50 gift packs mula sa Leslie’s at first-aid kits mula sa Medicard ang mga nakatakdang mapanalunan sa adbokasiyang fun run na nananawagan sa malinis na enerhiya sa kapaligiran.
Ang proyektong ito na suportado ng Chris Sports, Philippine Charity Sweepstakes Office, Leslie’s, the National Capital Region Athletic Association, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Emilio Aguinaldo College, Science in Sport, Medicard Foundation, Cafe Amazon, PTT Lubricants, Philippine Red Cross, Milcu, Leslie’s. Medicard, Business Mirror, Business Mirror Health, Fitness Magazine, SportsManila.net at ET Manila, ay may misyon na palaganapin ang panawagan sa malinis na enerhiya sa pamamagitan ng sports.
Tumatanggap pa ng lahok sa Chris Sports SM Manila. Tatanggap din ng lahok para sa mga walk-in sa mismong race site isang oras bago ang nakatakdang oras ng karerang lalahukan.