Ni: Genalyn D. Kabiling

Magiging mas mabilis na ang paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga overseas Filipino worker sa ilalim ng bagong identification card system.

Sinimulan na ng gobyerno ang pag-iisyu ng libreng OFW ID na magsisilbing overseas employment certificate (OEC).

“Today, July 12, we are launching the iDOLE, the identification card for millions of overseas Filipino workers,” pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella.

National

Kamara, ‘di papayag na muling bumalik panahon ng kadiliman at kasamaan – Romualdez

“OFWs who carry this ID would mean that his documents have been legally processed by the Philippine Overseas Employment Administration (POEA),” aniya.

Ang OFW ID card system ay proyektong sinimulan ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang iba pang ahensiya gaya ng Social Security System (SSS), Development Bank of the Philippines (DBP), at Philippine Postal Corporation (PhilPost).

Sinabi ni Abella na babalikatin ng mga employer ang pagpoproseso ng DOLE. “Hence, OFWs need not pay for the cost of the ID,” dagdag niya.

Ang mga ID ay ihahatid ng PhilPost sa mismong tirahan ng OFW, ayon kay Abella.

Gamit ang bagong ID, hindi na kailangan ng mga OFW na kumuha ng travel exit clearance mula sa POEA sa tuwing aalis sila ng bansa. Ang bagong ID ang papalit sa OEC para pabilisin at padaliin ang mga transaksiyon sa gobyerno.

“All they have to show the ID and that will serve as license to go abroad and come back here,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.