Ni: Leandro Alborote
TARLAC CITY - Isang lalaki na pinaniniwalaang matagala nang nambibiktima ng mga automated teller machine (ATM) ang maraming beses na ilegal na nakapag-withdraw sa ATM ng isang bangko sa Barangay Ligtasan, Tarlac City, at naaktuhan pa nga nitong Martes ng madaling araw.
Na-monitor ng head office ng BPI Family Savings Bank sa Makati City ang mga ilegal na withdrawal at kaagad na tumawag sa Tarlac City Police.
Sa pagresponde ng grupo ni PO3 Benedick Soluta, papalapit sila sa suspek, na noon ay nasa ATM, nang kaagad itong tumakas at naiwan ang P36,000 cash na na-withdraw nito at mga bank transaction receipt.
Sumakay sa itim na kotse sa pagtakas, ang suspek ay may taas na 5’6”, nakasuot ng itim na jacket at sombrero.