Ni REGGEE BONOAN

NAKATANGGAP kami ng tawag mula sa Mandaluyong Regional Trial Court na sumampa na sa korte ang kasong kidnapping na ikinaso ni Vina Morales noong nakaraang laban kay Cedric Lee, ama ng anak niya.

vina copy

Kuwento ng mga nakakita, nag-post daw ng bail si Cedric at nag-plead ng not guilty kahapon ng umaga.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Hindi nakitang dumalo si Vina sa arraignment kaya hindi siya nakunan ng pahayag. Mayroon daw magaganap na mediation hearing sa Hulyo 27.

Matatandaang sinuway ni Cedric ang utos ng korte nang hindi ibalik ang anak nilang si Ceana Lee sa araw na usapan nila.

Ayon sa singer/actress noon, ang visitation rights ni Cedric sa anak nila ay tuwing araw ng Sabado pero hindi raw ito sinunod ng negosyante dahil simula Mayo 13 hanggang 22, 2016 ay nasa poder nito ang anak na ang katwiran ay may utang daw na 10 days si Vina kaya nilubos na nito.

Habang sinusulat namin ito ay hinihintay namin ang sagot ni Vina at abogadang si Atty. Lucille Sering na pinadalhan namin ng mensahe tungkol sa mga detalye.