Ni: Jimi Escala

SA Tondo, Manila lumaki si Jose Manalo kaya hangang ngayon ay madalas pa rin siyang napapagawi rito. Ilang beses na rin namin siyang namataan na nagsisimba sa Sto. Niño de Tondo.

JOSE copy copy

May isang kasamahan din kami sa Greteers and Collectors Ministry na malapit na kamag-anak ng komedyante. Kaya sa kanya namin nalaman na nagpapahinga lang naman daw si Jose sa Eat Bulaga at mali ang lumabas na balitang suspendido ito ng ilang buwan.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Dagdag pa niya, nakausap niya mismo si Jose kamakailan at binanggit nito na humihingi lang ito ng isang buwang bakasyon sa programa dahil may aasikasuhin lang ito.

Lahad pa raw ni Jose sa kanila, mahigit isang buwan nga raw ang hinihingi nitong bakasyon sa Eat Bulaga pero isang buwan lang daw ang ibinigay ng management ng TAPE Inc. Katwiran daw ng management, kailangan sa show si Jose.

“Hindi totoo ang balitang tinanggal si Jose o suspendido. Wala namang nagawang pagkakasala ‘yung tao. Basta abangan na lang nila dahil malapit na rin siyag bumalik sa programa,” sey pa ng kausap namin.

Naroroon raw sa America si Jose at nagbabakasyon pero malapit na ring umuwi at diretso na agad sa Eat Bulaga.

Samantala, kinumpirma rin sa amin ng isang staff ng EB na pinagtanungan namin ang impormasyong ito. Walang katotohanan na suspendido si Jose.