Nina BELLA GAMOTEA at ROY C. MABASA

Muling nanindigan ang administrasyong Duterte na poprotektahan ang mga inaangking teritoryo at karagatan ng Pilipinas at tiwalang mareresolba ang gusot sa West Philippine Sea sa maayos at mabuting pakikitungo sa mga kalapit bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang prayoridad ng Pangulong Rodrigo Duterte na kapayapaan at katatagan sa rehiyon ay landas tungo sa malusog na kapaligiran sa larangan ng dayalogo, kooperasyon at pag-unlad.

“The Duterte Administration is committed to its strategy to strengthen old allies and engage new partner nations.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

The Philippines shall remain an enemy to none and a friend to all in its pursuit of economic and political benefits for the country, including the long-term security and stability in the region,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Lalong nahihimok ang Pilipinas ng Agreement on a Framework on the Code of Conduct on the South China Sea na makatutulong tungo sa epektibong negosasyon ng Code of Conduct, dagdag ng DFA.

Para naman kay dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario, walang duda na nakagawa ang Pilipinas ng malakas na kontribusyon sa rehiyon nang magpasya itong maghain ng kaso laban sa China sa pinagtatalunang West Philippine Sea/South China Sea at sa walang basehang nine-dash line ng Beijing.

Binigyang-diin ito ni Del Rosario sa kanyang talumpati sa ADR Institute Forum na “The Framework Code of Conduct, One Year After Arbitration” na ginanap sa Manila Polo Club kahapon.

Iginiit ni Del Rosario na ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas noong Enero 22, 2013 at ang pagpabor dito ng Hague-based Permanent Court of Arbitration ay nakatulong hindi lamang sa mga claimant, kabilang ang China, kundi sa buong mundo sa kabila ng pagtatangka ng Beijing na pahinain ang desisyon at ang estado nito.

“Through it, we have more clarity on maritime rights—what we can claim, what we can do, and where we can find constructive areas of cooperation,” aniya kaugnay sa desisyong inilabas ng PCA noong Hulyo 12, 2016.

“Now, the ruling is an integral and indelible part of the universal body of international law,” aniya sa anibersaryo ng desisyon.

Sinabi ni Del Rosario na dapat ipagmalaki ng mga Pilipino ang liderato ng bansa sa usaping ito.

“It was a leadership that began from a lonely place but, because we stood for what is right, we also gained the respect of the responsible community of nations,” diin niya.

Ngunit isang taon matapos ang Arbitral Tribunal Award, sinabi ni Del Rosario na hindi pa nakikita ng pandaigdigang komunidad ang pagbabagong inasahan mula sa China.

“Despite its friendlier face, we do not see restraint in China’s militarization and unlawful activity in the West Philippine Sea,” aniya.