Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Quirino sa Isabela ang binaril hanggang sa mapatay sa harap ng isang kainan sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang biktimang si Richard Ballesteros, 36, utility worker sa munisipyo ng Quirino, at taga-Barangay Luna sa Quirino.

Dakong 6:20 ng umaga nitong Martes, nakaupo si Ballesteros sa nasabing kainan nang sumulpot ang isang SUV, bumaba ang isang sakay nito at binaril ang biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar