NI: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Arellano University gym)

2 n.h. -- Arellano vs San Sebastian (Jr’s)

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

4 n.h. -- Arellano vs. San Sebastian (srs)

TARGET ng Arellano University na masundan ang opening day win sa pakikipagtuos sa host San Sebastian ngayon sa NCAA Season 93 seniors basketball championship sa Arellano gym sa Legarda.

Dadayuhin ang Chiefs gayundin ang kanilang junior counterparts ng San Sebastian College sa pagpapatuloy ng nasimulang ‘NCAA Tour’ nitong nakaraang Linggo sa pagdaraos ng tatlong junior matches sa Letran gym sa Intramuros.

Mauunang magtutuos ngayong 2:00 ng hapon ang Braves at Staglets bago magharap ang Chiefs at ang Stags ganap na 4:00 ng hapon.

Sa pangunguna ni Kent Salado, ang bagong lider para sa Chiefs sa pagkawala ni Jio Jalalon, tinalo ng Arellano ang nakatunggaling Mapua sa opening day sa MOA Arena, 91-82.

Kabaligtaran naman ang naging kapalaran ng makakasagupa nilang Stags na bigo sa una nilang laro sa kamay ng defending champion San Beda nitong ding opening day sa iskor na 67-76.

“With the energy and effort na ipinakita naming against San Beda , maganda ang pupuntahan namin, “ pahayag ni Stags guard Enzo Navarro. “Yung mga lessons na nakuha namin dito sa first game, improve namin at i-aapply sa practice at sa training para hindi manatiling lessons lang ang makuha namin, para next time pati panalo makuha na namin. “

Maliban kay Navarro, aasahan ni coach Egay Macaraya sa tangka nilang Kapwa naman bigo sa una nilang laro noong Linggo, mag-uunahang makapagtala ng panalo ang Braves at ang Staglets para makaiwas na malaglag sa buntot.