Ni: Francis Wakefield, Beth Camia, at Fer Taboy

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na may 300 pang sibilyan ang nasa Marawi City hanggang ngayon.

Ayon kay Padilla, ang nasabing bilang ay batay sa impormasyong ibinigay ng lokal na pamahalaan.

Aniya, kung hindi na-trap sa war zone ay posibleng bihag ng Maute Group ang mga nasabing sibilyan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“We’re basing on the local government reports and estimates. According to estimates there remains about 300 more or less who are still unaccounted for,” sabi ni Padilla.

Ayon kay Padilla, nasa 39 na sibilyan ang kumpirmadong napatay ng mga terorista simula noong Mayo 23, ngunit inaasahang tataas ang bilang na ito kapag napasok na ng militar ang iba pang mga bahagi ng lungsod na kontrolado pa rin ngayon ng Maute.

Sinabi ni Padilla na 389 terorista na rin ang napatay, at 90 naman sa panig ng gobyerno, habang 494 na armas ng mga kalaban ang nasamsam.

Samantala, sisimulan na ng AFP ang pamamahagi sa mga pamilya ng mga naulilang sundalo ng P3.5-milyon donasyong nakalap ng militar.

Ayon kay Padilla, sa susunod na linggo ay ipagkakaloob na ang P35,000 ayuda sa bawat pamilyang naulila ng mga sundalong nasawi sa bakbakan.

Umaabot naman sa mahigit P766,000 ang nakalap na donasyon para sa evacuees.