Ni: Brian Yalung
Ang mga eskwelahan at unibersidad na hindi kabilang sa mga premyadong collegiate league ang binibigyan ng pagkakataon sa kanilang sports program sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL).
Inorganisa ng Universities and Colleges Athletic League, Inc., ang UCBL ang tamang venue para sa iba pang student-athletes para maipamalas ang kanilang galing at athletics talent.
May kabuuang 220 colleges and universities sa buong bansa, kabilang ang 140 sa National Capital Region (NCR).
Sa kasalukuyan, 18 eskwelahan ang bahagi ng UAAP at NCAA at sa kasamaang-palad, walang lugar para sa iba pang institusyon.
Bunsod nito, binuo ang UCBL para mapagtibay ng mga miyembro eskwelahan ang ilang aspeto tulad ng mga sumusunod: Itaas ng imahe ng eskwelahan; palakasin ang sports program; Maipamalas ang husay at galing ng mga estudyante; patatagin ang hanay ng mga alumni at patibayin ang samahan ng mga student-athletes.
Natapos ang huling season ng UCBL nitong Disyembre 2016 at inaasahang magbubukas para sa Season 2017 sa Setyembre.
Mapapanood ang mga laro sa IBC 13 at sa pagkakataong ito mas pinalakas ang coverage sa pakikiisa ng media partners tulad ng Manila Bulletin, PhilStar, Spin.ph, Fox Sports Asia at Sports Illustrated.