Ni: Elena L. Aben

Sinabi ni Senator Bam Aquino kahapon na inaasahan niyang maisasabatas na ang pagkakaloob ng libreng edukasyon sa state universities and colleges (SUCs) sa Agosto 5, o maaaring mas maaga pa.

Sinabi ni Aquino na ang niratipikahang bersiyon ng panukala ay dinala na sa Malacañang nitong Hulyo 5 para sa approval ni Pangulong Duterte.

At kung i-veto man o pirmahang mas maaga, tuwiran na itong magiging batas makalipas ang 30 araw, o sa Agosto 5.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ng senador na mas mainam kung mas maaga itong pipirmahan ni Duterte upang maiulat nito sa mamamayang Pilipino sa State of the Nation Address nito sa Hulyo 24.

Si Aquino ang principal sponsor at co-author ng Senate version ng panukala noong siya pa ang chairman ng committee on education.

Sa ilalim ng isasabatas na panukala, ang pag-aaral sa SUCs, local universities and colleges (LUCs) at vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay magiging libre na, dahil sasagutin ng pamahalaan ang tuition, miscellaneous at iba pang mga bayarin.

Magkakaloob din ito ng scholarship grants sa mga estudyante sa mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad.