Ni: Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac – Limang katao ang nasugatan sa iba't ibang parte ng katawan makaraang masagi ng tricycle at tumilapon ang isang motorsiklo sa Purok Rang-ay, Barangay Padapada sa Santa Ignacia, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Hansel Purganan ang mga biktimang sina Arnold Legaspi, 43, driver ng Honda TMX 155 motorized tricycle (RT-9249); Maribel Legaspi, 40, asawa ng driver; at anak nilang si Ernest John, 9, pawang ng Bgy. San Juan De Mata, Tarlac City.

Nasugatan din si Junior Lacayanga, 28, driver ng Hataw PMR motorcycle (CP-32399); at angkas niyang si Bryan Vidad, 22, ng Purok Rang-ay, Bgy. Padapada, Santa Ignacia.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!