110717_tolentino_02 copy

Ni: Genalyn D. Kabiling

Nagbalik na sa paglilingkod sa gobyero si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis N. Tolentino.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Tolentino bilang bago niyang political adviser, isang taon makaraang mawalang-bisa ang appointment ban sa mga talunang kandidato noong 2016.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hunyo 27 nilagdaan ang appointment paper ni Tolentino.

“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed Political Adviser, Office of the Political Adviser. By virtue hereof, you may qualify and enter upon the performance of the duties of the office, furnishing this Office and the Civil Service Commission with copies of your oath of office,” saad sa appointment paper ng dating MMDA chairman.

Kabilang si Tolentino sa 30 bagong government appointee na inihayag ng Malacañang kahapon.