Ni NORA CALDERON

ITUTULOY pa rin ng magpapamilyang Jolina Magdangal, Mark Escueta, at Pele Escueta ang naudlot nilang bakasyon sa Hong Kong ngayong nakapagpahinga na sila pagkatapos ng aksidenteng naganap nitong Lunes ng madaling araw habang papunta na sila sa airport para sa kanilang 5 AM flight.

Mark Pele at Jolina copy

Biglang binangga ng isang van ang likod ng kanilang SUV. Ayon sa driver ng van, pagkakamali niya ang lahat dahil nakatulog siya habang nagmamaneho.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon kay Mark, clear namang lahat ang kanilang CT scan kaya binigyan na sila ng go-signal ng doctor na mag-travel kung gusto na nila.

Nag-post si Mark sa Facebook ng pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanila at humingi ng sorry sa mga nag-text sa kanila na hindi nila nasagot. Idinitalye niya ang nangyari sa sasakyan nila at sa bumanggang van at sa driver nito na naipit ng manibela.

“Thank God walang nangyari kay Pele. Naka-carseat at seatbelt siya palagi ‘pag bumibiyahe kami. He did not even cry.

Kaya lang may malaking bukol sa likod ng ulo ni Jolina, hindi namin alam kung ano ang tumama sa kanya.

“I tried to ask for assistance from The Heart Center and East Avenue Medical Center but both were unable to help. We decided to book for Uber and we were fortunate that there was a car already in East Avenue and the driver brought us straight to St. Luke’s E. Rod.

“Salamat sa lahat ng messages at mga tawag. Please pray na wala namang complications. Stay safe everyone!”

Thank God and be safe always, Mark, Jolens and Pele.