Ni: Leandro Alborote
LA PAZ, Tarlac - Patawirin ngayon ang buhay ng isang babaeng negosyante makaraan siyang tambangan ng riding-in-tandem sa panulukan ng Ramos at Libertad Streets sa Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay SPO1 Gulliver Guevarra, nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Anna Marie Sison, 37, dalaga, ng nasabing barangay.
Dakong 7:40 ng gabi at minamaneho ni Sison ang kanyang Mazda 2 (RMY-4300 at pagsapit sa nasabing lugar ay pinagbabaril siya ng hindi nakilalang mga salarin.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.