UNITED NATIONS (AFP) – Pinaigting ni US Ambassador Nikki Haley nitong Lunes ang pressure sa gobyerno ng Myanmar para tanggapin ang UN fact-finding mission na inatasang imbestigahan ang mga pang-aabuso sa mga karapatan ng mga Rohingya Muslim.

Sinabi ng mga opisyal ng Yangon nitong nakaraang linggo na hindi nila bibigyan ng visa ang three-person team na inatasan ng UN Human Rights Council na mag-imbestiga sa mga diumano’y pang-aabuso ng security forces sa estado ng Rakhine.

“The international community cannot overlook what is happening in Burma – we must stand together and call on the government to fully cooperate with this fact-finding mission,” saad sa pahayag ni Haley.

Ibinasura ni Myanmar de facto leader at Nobel prize winning democracy activist Aung San Suu Kyi ang UN fact-finding mission, sa katwirang nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang gobyerno.

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!

Mahigit 90,000 Rohingya na ang lumikas simula nang ilunsad ng militar ang madugong pagtugis laban sa mga umatake sa isang police post noong Oktubre 2016, ayon sa UN.