GAGAMPANAN ng tatlong lalaking taga-California na pumigil sa terror attack sa isang tren sa France noong Agosto, 2015 ang kanilang sarili sa pelikulang ididirehe ni Clint Eastwood tungkol sa kanilang kabayanihan.

Clint copy

Sinabi ng Warner Brothers sa isang pahayag nitong nakaraang Martes na sina Airman 1st Class Spencer Stone, U.S. Army Spc. Alek Skarlatos at Anthony Sadler ang magiging bida sa The 15:17 to Paris.

Susundan ng pelikula, na magsisimula ang produksiyon ngayong linggo, ang buhay ng tatlong magkakaibigan mula sa kabataan hanggang sa gabi ng pagtulong nila sa pag-aresto sa tatlong terorista na namaril sa tumatakbong tren mula Amsterdam patungong Paris.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagbabakasyon sa Europe ang tatlong bidang nagmula sa Sacramento nang gapiin nila si Ayoub El-Khazzani, ang lalaki na ayon sa mga awtoridad ay may kaugnayan sa radical Islam. Sumakay si El-Khazzani sa tren patungong Paris na may dalang Kalashnikov rifle, pistol at box cutter.