Ni Francis T. Wakefield

Sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na wala sa isip ng liderato ng militar na palawakin ang umiiral na batas militar para saklawin ang buong bansa.

Ito ang tiniyak ni Padilla kahapon, dahil mapapasó na ang idineklarang martial law sa loob ng 10 araw, kaya kinakailangan ng AFP na magbigay ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte kung palalawigin pa ito o hindi na.

“Unang-una it never crossed the mind of the Armed Forces. ‘Yun ang kasagutan sa unang katanungan to raise it (martial law) nationwide, because there was no need for it anyway,” ani Padilla.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The assessment is not yet done, so I cannot answer that as of yet. Hintayin nating matapos ‘yung assessment kasi ‘yun ang magiging basehan, at idudulog natin itong assessment na ‘to sa opisina ng kalihim ng Tanggulang Pambansa, na siyang administrador ng martial law. Na siya namang magpo-forward ng rekomendasyon niya sa mahal ng Pangulo,” paliwanag ni Padilla.

“The declaration of martial law becomes, goes out of effect at the end of 60 days and hence the recomemndation and the decision to extend it must be done before it ends,” aniya.

Nauna rito, binigyang-diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tanging ang Pangulo, bilang Commander-in-Chief ng bansa, ang maaaring magdeklara ng pagbawi o pagpapalawig sa batas militar.

Ito ay kasunod ng komento ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isusulong niyang palawigin ang martial law ng lima pang taon, o hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Kapwa nagpahayag ng pagtutol ang AFP at pulisya sa nasabing mungkahi ni Alvarez.