Ni REGGEE BONOAN

NATUTUPAD o natupad na nga yata na ang food empire na matagal nang pinapangarap ni Kris Aquino.

Nagsimula siya sa isang franchise ng Chow King at simula noon ay sunud-sunod nang pagsulputan ng food outlets niya.

Pagkatapos tumakbo ng maayos ang una niyang itinayong Chow King branch sa Alimall, Cubao Quezon City noong 2014, sumunod na ang Jollibee (Tarlac branch), Mang Inasal (Anonas, QC branch), at series of Nacho Bimby Potato Corner sa Promenade, SM North Edsa Eastwood Mall/Eastwood City Walk at Robinson’s Magnolia.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Kahit may mga kasosyo, si Kris ang may pinakamalaking shares sa nabanggit na franchises, kaya siya ang napiling maging presidente ng Nacho Bimby.

“This year I spread my wings,” post ni Kris sa social media kamakalawa. I’m the president of Nacho Bimby Pilipinas Corp. as well as the president of Kris C. Aquino Productions which runs #KrisOnLine, and thank God we already have several branded entertainment partnerships.

“People have asked me many times about politics in my future, but as of now -- I’m enthusiastically learning from my business ventures and challenging myself to create a viable food and digital conglomerate that will provide jobs and opportunities for hard working & disciplined Filipinos and prove to my sons that the legacy I am leaving them is self made from their mother’s love and determination. Getting ready for Anticipated Mass. God bless you all.”

Kaya sa mga gustong mag-franchise, tulad ng panganay ni Bossing DMB na si Karl, maaaring kumontak sa [email protected] or apply via the website www.nachobimby.ph/franchising@nachobimby.

Noong nasa ABS-CBN pa si Kris, palagi niyang sinasabi na gusto niyang magkaroon ng negosyong may kinalaman sa pagkain dahil siguradong walang lugi’t lahat ng tao ay ito ang hanap.

Nagkatotoo at natupad na ang dream niya.