PORT DICKSON (AP) – Sinalakay ng mga awtoridad ng Malaysia ang isang construction site sa estado ng Negeri Sembilan at inaresto ang 77 banyaga sa panibagong pagtugis sa illegal immigration.

Mahigit 3,000 banyaga at 63 employer na kumuha ng mga ilegal na manggagawa ang idinetine simula nang ilunsad ang kampanya nitong Hulyo 1, target ang mga banyagang ilegal na nagtatrabaho sa Malaysia. Karamihan sa kanila ay tumatanggap ng mababang suweldo sa mga kontruskiyon, plantasyon, at service industries.

Isa sa pinakamayamang bansa sa Southeast Asia, naaakit ng Malaysia ang mga manggagawa mula sa Indonesia, Pilipinas, Bangladesh at India.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina