Ni: Leonel M. Abasola
Hinikayat ni Senador Bam Aquino ang mga walang trabaho na bumisita sa Negosyo Center sa kanilang lugar upang makakuha ng tulong para makapagsimula ng sariling negosyo.
Aniya, habang walang mahanap na trabaho, puwedeng subukan munang magnegosyo.
“Sa ngayon, marami nang mga Pilipino ang kumikita sa simpleng negosyo dahil sa tulong ng Negosyo Center,” ani Aquino, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 10644 o Go Negosyo Act.