Ni: Bert de Guzman

PATULOY ang United States sa pagtulong sa Pilipinas sa pakikihamok nito laban sa terorismo kahit personal na galit si President Rodrigo Roa Duterte kay Uncle Sam sapul nang murahin niya si ex-US Pres. Barack Obama na nagkomento hinggil sa inilulunsad na giyera sa illegal drugs.

Handa rin ang US na tumulong na ma-secure at maibangon ang wasak na Marawi City na sinalakay ng teroristang Maute-IS Group na habang isinusulat ko ito ay hindi pa tapos ang labanan. Patuloy ang pambobomba ng mga eroplano ng military.

Aminado si Defense Sec. Delfin Lorenza na na-underestimate nila ang kakayahan ng MG na akala niya ay dalawa o tatlong araw lang ay lipol na ang mga kampon ng demonyo!

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pagsasalita ni US Ambassador Sung Kim noong Huwebes sa selebrasyon ng ika-241 anibersaryo ng US Indepence (July 4, 1776), sinabi ni Kim (na lahing Koreano) na mananatiling kaibigan at kaalyado ng US ang Pilipinas. “We will continue to stand by the Armed Forces of the Philippines as they courageously fight terrorism to keep this country safe,” ayon sa kanya.

Nakasuot ng Army camouflage uniform at may bitbit na high-powered firearm, tinangka ni PRRD na pumunta sa Marawi City upang tingnan ang lawak ng pinsala, palakasin ang loob at pasalamatan ang mga sundalo at pulis na hanggang ngayon ay nakikihamok sa mga lapastangang miyembro ng Maute-IS Group.

Gayunman, hindi natuloy si Mano Digong, kasama ang mga aide, partikular ang laging nakadikit (ala-photo bomber) na si Christopher “Bong” Go, na naka-uniform din at may mahabang baril na nakasabit sa balikat. Dahil sa sama ng panahon, pinayuhan si PDU30 ng mga pinuno ng military na huwag nang tumuloy sa Marawi City, bukod pa sa security reason laban sa mga terorista.

Malayung-malayo ang attitude ni Pres. Rody kumpara sa ugali ni ex-PNoy tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kalamidad, krisis at trahedya ng mga sundalo at pulis. Lagi siyang nakikiramay sa mga namatay na kawal at pulis, pinupuntahan ang kanilang burol at binibigyan ng tulong-pinansiyal ang naulilang pamilya. Ganito rin ang ginagawa niya sa sugatang mga kawal, dinadalaw, sinasaluduhan at pinagkakalooban ng tulong.

Kumpara kay ex-PNoy na hindi sumalubong sa pagdating ng mga bangkay ng SAF 44 at sa halip ay minabuti pang dumalo sa inagurasyon ng bagong planta ng isang Japanese car manufacturer sa Sta. Rosa, Laguna, si PRRD ay lumipad mula sa Mindanao kahit gabi na para salubungin ang walo sa 13 nasawing Marine soldiers.

Sa kabila ng mga puna, batikos at paninira ng mga kritiko (dahil sa pagmumura, rape jokes, EJKs, HRVs, martial law declaration, atbp), napanatili ng Pangulo ang mataas na.... satisfaction rating, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), noong Hunyo 23-26, lumilitaw na 8 sa 10 Pilipino o 78% ang kumporme sa kanyang performance. Tanging 12% lang ang hindi kuntento kaya ang net satisfaction niya ay “very good” +66%.

Tinalo ng Australian boxer na si Jeff Horn ang Pambansang Kamao ng Pilipinas, si Manny Pacquiao, sa isang unanimous decision na hindi akalain ng maraming boxing analyst. Maging si Pacman ay hindi makapaniwala sa desisyon ng tatlong hurado sa sagupaan. Batay sa statistics o compubox, si Pacquiao ang panalo. Hiningi ng Games and Amusement Board (GAB) sa World Boxing Organization (WBO) na muling repasuhin ang laban upang malaman kung sino ang tunay na nanalo bagamat hindi na mababago ang desisyon na si Horn ang nanalo. ‘Di ba ganito rin ang nangyari sa kontrobersiyal na panalo noon ni Timothy Bradley laban kay Manny?