Ni: Light A. Nolasco

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Isang barangay tanod ang nagbigti sa garahe ng kanyang bahay sa Barangay Bago sa General Tinio, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Mayor Ferdinand Bote, nakilala ang nagpatiwakal na si Eddie Jardiel y Buan, 44, residente sa naturang barangay, na wala nang buhay nang dalhin sa Fort Magsaysay Hospital sa Palayan City.

Dakong 7:20 ng umaga nitong Sabado nang itawag sa pulisya ni Prudencio Cortez, chief tanod ng Bgy. Bago ang pangyayari.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Nabatid na mismong mga anak ni Buan ang nakadiskubre sa ama habang nakabigti ng lubid sa garahe.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang pakikipag-away nito sa asawa ang dahilan ng pagpapatiwakal ni Buan.