Ni: Bella Gamotea

Sugatan ang 18 estudyante at ang driver ng isang school service na aksidenteng tumagilid sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga estudyante, na pawang nasa edad 7-11, ng Fort Bonifacio Elementary School dahil sa sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan din si Jason Bernabe, 30, driver, na nagtamo ng galos sa katawan at mga braso.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa ulat ng Taguig City Traffic enforcement Unit, naganap ang insidente sa C-5 northbound lane, malapit sa McKinley Road, dakong 6:30 ng umaga.

Inaalam na ng awtoridad kung overloaded ang school service (TWJ-647) na posibleng sanhi ng pagtagilid nito.