Ni: Jun Fabon

Isang retiradong pulis ang isinelda sa Fairview Police-Station 5 dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang inaresto na si Armolito Rosauro, 52, dating police sergeant ng QCPD.

Ayon kay Police Supt. Bobby Glenn Ganipac, nasorpresa si Rosauro sa pagkakaaresto sa kanya sa gitna ng buy-bust operation sa Dona Esperanza Street, Palmera Homes, Barangay Sta. Monica, Novaliches, bandang 4:00 ng hapon kamakalawa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nakuha mula kay Rosauro ang limang pakete ng umano’y shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, dakong 6:00 ng gabi, dinakma sa anti-drug operation ng Galas Police Station (PS-11) sina Gregor Monson, 32, at Raffy Aliño, 29, sa No. 30 Calvary St., Bgy. Damayang Lagi at sa Araneta Avenue, Bgy. Dona Imelda, ayon sa pagkakasunod.

Nakuha mula kina Alino at Monson ang mga pakete ng umano’y shabu at drug money.

Hindi rin nakaligtas sa follow-up operation ng mga tauhan ng QCPD-Station 11 ang wanted na si Jaybert Llanes, 40, ng San Juan City, sa Calvary Compound, Bgy. Damayang Lagi, na nakumpiskahan ng isang pakete ng umano’y shabu.