Ni: Rommel P. Tabbad at Jun Fabon

Dalawampu’t pitong taon makukulong ang isang konsehal ng Quezon City dahil sa mga iregularidad sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) noong kapitan pa ito ng barangay noong 2002-2004.

Sinentensiyahan ng Metropolitan Trial Court Branch 40 ng Quezon City si dating Batasan Hills barangay chairman at ngayo’y 2nd District Councilor Ranulfo Ludovica ng tig-limang taong pagkakakulong sa kasong 5 counts ng paglabag sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713) at dalawang taon na pagkakakulong sa paglabag sa kasong Falsification of Public Documents.

Pinagmumulta rin siya ng korte ng P5,000 para sa paglabag sa Code of Conduct.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“During the trial, Ludovica was found to have falsified his 2005 SALN by deliberately failing to disclose his business interest in the ‘Jessa Zaragoza Phenomenal Entertainment.’ Based on the certification from the Securities and Exchange Commission, the accused was found to have been an incorporator, director, and stockholder of the said corporation since 1999, having a subscribed and paid-up capital equivalent to P50,000,” ayon sa korte.

Ayon sa hukuman, matibay ang ebidensya ng prosekusiyon na nagpapatunay na nabigo si Ludovica na ihain ang kanyang SALN noong 2002-2004 at 2006-2007.