Ni: Liezle Basa Iñigo

Pinaglalamayan ngayon ang isang babaeng purok leader na binaril umano ng riding-in-tandem sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Balintocatoc, Santiago City, Isabela.

Sa panayam kahapon kay PO2 Kris Nixon Dumag, sinabi niyang malapitang binaril sa noo si Carmelita Caguingging Gabriel, 54, purok leader sa nasabing lugar, bandang 10:00 ng gabi nitong Linggo.

Kaagad namang nakatakas ang mga suspek.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

May palagay ang pulisya na posibleng may kinalaman sa land dispute ang pamamaril.