OPSTAL copy copy

NAGKASUNDO ang San Miguel Beer at GlobalPort para sa one-on-one trade sa pagitan nina dating collegiate rival at Gilas mainsyat Arnold Van Opstal at Von Pessumal.

OPSTAL copy copy

Sa mensahe ng PBA Commissioner’s office sa Twitter account nitong Lunes, kinumpirma na liga ang napagkasunduang trade na ipinapalagay na magbibigay ng bagong kinang sa career ng dalawang star players mula sa La Salle at Ateneo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matapos mabangko sa Beermen bunsod nang malalim na bench, inaasahang magkakaroon ng bagong kulay ang career ni Van Opstal sa Batang Pier.

Batay sa sinusunod na rugulasyon, ang rookie players na bahagi ng Gilas Cadet ay protektado sa trade, ngunit hindi na sakop si Van Opstal na kamakailan lamang ay inilaglag na sa Gilas pool.

Ngunit, taliwas ang sitwasyon ni Pessumal dahil ang dating Ateneo standout ay bahagi pa ng National Team na sasabak sa Jones Cup at Southeast Asian Games ngayong taon.

Tangan ni Pessumal ang averaged 5.7 puntos at 2.5 board sa eliminations ng nakalipas na Commissioner’s Cup, habang ang 6-foot-9 na si Van Opstal ay hindi masyadong nabigyan ng playing time sa San Miguel Beer.