Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang dating overseas Filipino worker ang napatay matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Aguiguican, Gattaran, Cagayan.

Sa panayam ng Balita kahapon kay SPO1 Manuel A. Diaz. Jr., una umanong nagpaputok ang target sa buy-bust na si Ulysis Molina, 33, dating OFW, kabilang sa mga street level target ng pulisya at taga-Zone 4, Bgy. Cullit, Gattaran, Cagayan.

Dakong 4:25 ng hapon nitong Linggo nang isagawa ng mga tauhan ni Chief Insp. Rodel Tabulog ang buy-bust hanggang makatunog umano si Molina at paputukan ang mga awtoridad, na nauwi sa engkuwentro.

Probinsya

Halos 700 katao, naitalang lumabag sa 'topless ordinance' sa loob ng isang linggo sa Davao City