Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Muling nagpahayag kahapon ng pagtutol ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa identification (ID) card proposal para sa mga Muslim sa Central Luzon bilang counterterrorism measure.

Sa ‘Mindanao Hour’ press briefing kahapon ng umaga, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na ang nasabing proposal ay diskriminasyon sa mga Pilipinong Muslim dahil may mga terorista na iba ang relihiyon.

“When we start checking identification of individuals, it should not be aimed at certain sectors of our society but it must be applicable to everyone,” ani Padilla.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Because everyone may look like an ordinary civilian, but they may not be who they say they are. So it’s good and it is logical to always check on the identities of everyone in your line that you are about to check,” dagdag niya.

Umapela rin siya sa publiko na manatiling balanse dahil hindi lahat ng Muslim ay sangkot sa rebelyon sa Marawi City.

Ipinagdiinan din ng Army official na ang nagaganap na bakbakan ay walang kinalaman sa relihiyon kundi labanan ng mabuti at masama.

“Tulad ng sinabi natin noong nagsimula ang kaguluhan, this was not a fight between religions. Hindi po ito religious war. Ito’y isang bakbakan laban po sa masasamang puwersa na nagdala ng kaguluhan sa Marawi. Period,” sambit ni Padilla.

Gayunman, sinabi ni Padilla na buo ang suporta ng AFP sa national ID system, sa paniniwalang ito ay mabisang paraan upang matuldukan ang terorismo.

“If that can be pushed, and I think Congress is pushing it, that would be some of the best measures that we can take,” aniya.

Isinusulong ng mga mambabatas ang national ID system dahil isa ang Pilipinas sa siyam na bansa sa mundo na wala nito.