Ni: Associated Press
ALAM ng kabataan na mali ang pagbabansag sa kapwa. Sa nakalipas na mga linggo, natututo ang kabataan ng online bullying at revenge porn: Hindi ito katanggap-tanggap, at masasabing ilegal.
Ngunit ang mga kilalang personalidad na bahagi ng maling pag-atake sa social media ay humahakot ng atensiyon ng buong mundo. Ang pinaka-popular na tweet ni President Donald Trump ay isang video na nagpapakita ng pagsuntok niya sa simbolo ng CNN. Nag-trend din noong nakaraang linggo ang reality TV star na si Rob Kardashian matapos siyang mag-post sa Instagram ng halos hubad na larawan ng dati niyang kasintahan bilang ganti sa panloloko umano nito sa kanya.
Ipinagpatuloy niya ang pag-atake sa Twitter, kung saan mayroon siyang mahigit sa 7.6 na milyong follower.
Hindi na bago ang interes ng publiko sa masamang pag-uugali ng tao na naipo-post sa social media. Lumikha ang social media ng isang malawak at bagong lugar para sa mga kabastusan at kaguluhan na naipahahayag, nasasaksikan at naibabahagi sa publiko. At sinasabi ng mga eksperto na nakakaapekto ito sa pakikisalamuha ng tao sa totoong buhay.
“Over time, the attitudes and behaviours that we are concerned with right now in social media will bleed out into the physical world,” pahayag ni Karen North, psychologist at director ng Digital Social Media Program ng University of Southern California.
“We’re supposed to learn to be polite and civil in society. But what we have right now is a situation where a number of role models are acting the opposite of that ... And by watching it, we vicariously feel it, and our own attitudes and behaviours change as a result,” aniya.
Ayon kay Catherine Steiner-Adair, psychologist at may-akda ng “The Big Disconnect: Protecting Childhood and Family Relationships in the Digital Age”, nakikita niya na ang epekto nito.
Aniya, kinompronta siya ng ilang estudyante at tinatanong kung bakit hinahayaan ang mga celebrity at mga political leader na makisali sa name-calling at iba pang masamang aktibidad kahit alam ng mga ito na may kaakibat itong parusa.
“We are normalizing behaviors, and it’s affecting some kids,” sabi ni Steiner-Adair. “And what’s affecting kids that is profound is their mistrust of grown-ups who are behaving so badly. Why aren’t they stopping this?”
Sa pamamagitan ng social media, nagagawang makipag-ugnayan ng tao sa kapwa. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga taong gumagamit na makihalubilo sa kapwa na may kaparehas na interes at nagkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng relasyon mula sa kanilang hinahangaang sikat, nakasusubaybay sa buhay ng mga ito at nakapagkokomento na parang kaibigan.
Ang pagtsitsismisan ay maituturing nang bonding. Nakabubuo ng komunidad sa pagkakaroon ng iisang interes at hindi mga gusto. Ang pagkakaroon ng iisang kaaway ay “one of the strongest bonding factors in human nature”, ayon kay North.
Ayon kay North, ang cyber incivility, partikular ang mga ipinapakita ng mga naturingang leader, ay may malaking epekto sa pakikipagkapwa-tao.
Ayon sa isinagawang pag-aaral, may potensiyal na gayahin ng kabataan ang mga agresibong ginagawa ng itinuturing nilang mga modelo sa social media. Binigyan-diin niya na sa “Bobo Doll Experiment” ng Stanford University psychologist na si Albert Bandura, kapag nakita ng mga bata na inaatake ng matatanda ang isang laruan dahil sa galit at inis, gagayahin din ito ng mga bata, nang may gamit na sandata.
Ang mga batang madalas na nakatutok sa social media ay nakakukuha ng kaugalian dito na hahalo na sa konsepto nila ng moralidad.
“It behooves us all to question why we are participating in this mob of reactivity,” sabi ni Steiner-Adair, “and what are the character traits we need to model for our children.”