MOSUL (Reuters) – Dumating si Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi sa Mosul nitong Sabado at binati ang armed forces sa kanilang tagumpay laban sa Islamic State matapos ang halos siyam na buwang bakbakan, at winakasan ang paghahari ng mga jihadist sa lungsod.

Ang pagkatalo ng Islamic State sa Mosul tatlong taon matapos itong makubkob ay malaking dagok sa hardline Sunni Islamist group, na nawawalan na rin ng kontrol sa operational base sa Raqqa City sa Syria kung saan plinano ng grupo ang mga pag-atake sa buong mundo.

Ang labanan para mabawi ang Mosul - ang pinakamalaking lungsod na bumagsak sa mga kamay ng mga militante – ay nag-iwan ng matinding pinsala sa ari-arian, libu-libong sibilyan ang namatay at halos isang milyong mamamayan ang lumikas.

“The commander in chief of the armed forces (Prime Minister) Haider al-Abadi arrived in the liberated city of Mosul and congratulated the heroic fighters and Iraqi people for the great victory,” saad sa pahayag ng kanyang opisina.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ikinatuwa ng France at Britain, mga miyembro ng coalition na nagsasagawa ng air strikes at nagkakaloob ng training at assistance sa Iraqi forces, ang pagkatalo ng mga kalaban.

“Mosul liberated from ISIS: France pays homage to all those, who alongside our troops, contributed to this victory,” tweet ni French President Emmanuel Macron.

“I congratulate Prime Minister Abadi, and the Iraqi forces who have been fighting on the ground with great bravery and care against a brutal opponent,” pahayag naman ni British Defence Secretary Michael Fallon.