Ni: Cover Media

ARAW-ARAW na pinagninilayan ni Sir Patrick Stewart ang kamatayan bago sumapit ang kanyang ika- 77 kaarawan sa Hulyo 13.

Inamin ng X-Men actor na ngayong tumatanda na siya ay napapadalas na rin ang pagninilay niya ukol sa kanyang paglisan sa mundo.

Patrick copy copy

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“There is a not a day goes by where I don’t think of my mortality,” aniya sa The Sunday People ng UK. “I am 76 years old. I am married to a much younger woman and I cannot see her without reflecting on the differences in our ages and expectations and so forth.”

Ikinasal ang iconic star sa 38-anyos na singer/songwriter na si Sunny Ozell noong 2013, ngunit hindi lamang ang malaking agwat ng kanilang edad ang isyu na madalas pag-iisipan ni Stewart kung sakaling pumanaw na siya.

Namatay ang matalik na kaibigan ni Patrick na si Leonard Nimoy noong 2015 at ang isa pa niyang kaibigang aktor na si Alan Rickman naman nitong nakaraang taon, at inamin ng Star Trek: The Next Generation lead star na ang sunud-sunod na naaapektuhan ang kanyang pag-iisip ng pagkamatay ng mga artistang kaedad niya.

“And this has been a horrible three or four years for my profession. My generation has been decimated,” aniya. “So many actors have gone.”

Ginagawa ni Patrick ang lahat ng kanyang makakaya upang mapanatiling ang positibo ang pananaw tungkol sa pagtanda – ginamit pa niya ang masakit na osteoarthritis medical condition para ma-appreciate ang buhay.

“One of the great things about being an actor, maybe the best thing, is that if you are working nothing is wasted,” pagbabahagi niya. “I recently had eight injections in my hands, four into each knuckle (to treat osteoarthritis).

After the third one I thought, ‘I can’t do any more. This is too unpleasant.’ And then you remind yourself, ‘Come on, Patrick, this is all good experience.’

“Nothing is ever is wasted,” dagdag niya tungkol sa pagiging instrumento ng kanyang real-life discomfort sa kanyang great acting onscreen. “You store it away and one day you might need it. I might need to pretend to experience some pain. Now I know what the hell it feels like.

“It is an interesting life.”