Ni: Mary Ann Santiago
Itatayo ng Diocese of Kalookan ang Human Rights Council (HRC) na tututok at magbabantay sa tumataas na insidente ng pagpatay sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area.
Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church at incoming Vice-President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang HRC ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, simbahan at civil society groups.
“Kailangan talaga ng imbestigasyon at kaya nagbabalak kami na magtayo ng Human Rights Council, sisimulan namin sa Caloocan sana sa bawat bayan magkaroon ng ganoon…para namo-monitor natin itong mga killings,” pahayag ng obispo sa panayam ng Radio Veritas.