BANGKOK (REUTERS) – Binaril at napatay ng armadong kalalakihan ang walong katao, kabilang ang isang bata, sa isang bahay sa Thailand matapos silang i-hostage, sinabi ng pulisya kahapon.

Nangyari ang krimen sa katimugang probinsiya ng Krabi, isang sikat na beach destination, matapos pasukin ng mga armadong lalaki ang isang bahay nitong Lunes ng gabi, at hinostage ang mga nakatira bago sila pagbabarilin.

Tatlo pang katao ang nasugatan. Naniniwala ang pulisya na personal na away ang motibo sa krimen.

“They were found this morning. Eight people died, three were injured. They were all found at the house,” sabi ni Manat In-prom, opisyal sa Ao Luk police station ng lalawigan. “We believe there were five or six criminals.”

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na