Ni NORA CALDERON

SINA Baby Zia Rivera Dantes at Scarlet Snow Belo Kho ang rarampa sa Paris para mag-flower girls sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

Tiyak na lalong magiging bongga ang most anticipated wedding of the year dahil sa dalawang bagets.

ZIA, MARIAN, SNOW AT VICKI copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nagkaroon na ng civil wedding ceremony sina Vicky at Hayden at sa September naman ang church wedding nila na magaganap sa Paris, France. No other than the famous fashion designer na si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Dra. Vicki at siya rin ang gagawa ng isusuot nina Baby Zia at Scarlet Snow.

Matatandaan na si Michael Cinco rin na based sa Dubai ang gumawa ng wedding gown ni Marian Rivera nang ikasal sila ni Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Pumunta pa si Marian noon sa Dubai para makipag-usap kay Michael Cinco na igawa siya ng wedding gown at doon na rin siya sinukatan.

Kaya sino pa nga ba ang magiging aligaga nang sukatan na ng gagawing gown sina Baby Zia at Scarlet Snow kundi ang kani-kanilang parents. Si Marian ang kasama ni Baby Zia at sina Dra. Vicki at Dr. Hayden naman ang kasama ni Scarlet.

Sa ngayon, wala pa ang complete list ng mga dadalo sa kasal sa Paris, kahit daw ang principal sponsors at secondary sponsors, hindi pa iniri-reveal ng mag-asawa kung sinu-sino.

Ito na tiyak ang pinakamalaking wedding na magaganap sa Paris na mga Pinoy ang ikakasal.