by Charissa M. Luci-Atienza

Sa layuning mapalakas pa ang relasyon sa Pilipinas, malapit nang iaalok ng gobyerno ng Taiwan ang visa-free entry sa mga Pilipino.

Sinabi ni Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) Representative Dr. Gary Song-Huann Lin na inaayos na nila ang pagpapaluwag sa pagpasok ng mga Pilipino sa Taiwan.

“It is time for the Philippines and Taiwan to beef up our traditionally long-standing friendship,” aniya sa Taiwan Tourism Workshop na ginanap sa New World Manila Bay Hotel nitong Hulyo 5.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanawagan siya sa dalawang bansa na palakasin at palawakin pa ang relasyon sa turismo, at ikinalulungkot na tila nakakaligtaan ng Taipei at Manila ang isa’t isa sa mga nakalipas na taon, kahit na sila ay magkalapit bansa at dalawang oras na biyahe sa eroplano lamang ang layo sa isa’t isa.

Binanggit niya na nagpatupad ang gobyerno ng Taiwan ng visa-liberalization initiatives upang lubusang mabuksan ang kanilang pintuan para sa mga turistang Pinoy.

“Once all preparations have been completed, the Taiwanese government is expected to make a formal announcement in September indicating the exact date to grant the visa-free entry treatment for all Filipinos,” ani Dr. Lin.