Ni Jerome Lagunzad

LUMIPAS man ang panahon nang kanilang kasikatan, nakamarka sa kaisipan at kasaysayan ng NCAA ang mga pamosong player tulad ni three-time NCAA season MVP winner Rommel Adducul.

Kabilang ang 6-foot-6 forward, 41, sa 20 alumni ng NCAA na binigyan ng parangal sa opening ceremony ng Season 93 nitong Sabado sa MOA Arena.

Kasama niya ang kapwa Stags na sina Dr. Alfonso “Boy” Mora at kasalukuyang coach na si Egay Macaraya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Paul AlvarezSa gitna na kasiyahan at galak, may lungkot na bumahid sa kampo ng Stags.

Hindi nakadalo si Bong Alvarez, ipinapalagay na pinakamatagumpay na pro player na nagmula sa San Sebastian. Ang tinaguriang ‘Mr. Excitement’ ay kasalukuyang nahaharap sa kaso bunsod ng personal na suliranin.

“Every school has to be represented by just two figures only. But we had three. Sobra na talaga ‘yun,” pahayag naman ni NCAA president Rev. Fr. Nemesio Tolentin, OAR, ng San Sebastian.

Aniya, nahirapan sila sa pagpili sa 20 achievers na alumni ng NCAA.

“We could not include everybody kasi marami pa talagang notable and important icons who should be here. Pero sila lang ngayon ang nag-represent.”

Iginiit ni Tolentin na karapat-dapat naman ang mga napili na nagmula sa San Sebastian.

“Si Rommel, very notable kasi he led the school to five straight crowns. Si Dr. Mora, part ng Baste team which won the school’s first NCAA title. Si coach Egay nag-champion rin naman (in 1985).”

Apat na miyembro ng PBA’s 40 greatest players—current Mapua coach Atoy Co, Jose Rizal U mentor Vergel Meneses, at Letran’s Philip Cezar at Kerby Raymundo— ang kinatawa ng eskwelahan sa parangal.

Binigyan din ng awards ang mga dati at kasalukuyang PBA players tulad nina Arellano’s Jiovani Jalalon at Nard Pinto, Lyceum’s Gary David, Mapua’s Chito Victolero Letran’s Raymond Almazan, at St. Benilde’s Jonathan Grey at Sunday Salvacion.