Pocari Sweat won the game with 3-2 against Power Smashers in the Premier Volleyball League - Open Conf. Preliminaries at the FilOil Arena, San Juan City. (Korbin Gumpal)

NAUNGUSAN ng Pocari Sweat ang Power Smashers, 25-19, 25-21, 23-25, 20-25, 15-11, nitong Sabado para manatiling malinis ang karta sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Myla Pablo sa naiskor na 30 attack points, kabilang ang huling tatlong puntos na nagselyo sa ikatlong sunod na panalo ng Lady Warriors para manguna sa team standings.

“Ganoon talaga aabot sa point na, doon ako sa porsyentuhan (ng napapatay na bola),” sambit ni Pocari Sweat coach Rico de Guzman.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nadomina naman ng Balipure ang University of the Philippines, 25-23, 25-21, 25-23, para makabawi sa natamong kabiguan.

Nanguna si dating San Sebastian ace Grethcel Soltones sa Balipure sa naiskor na 18 puntos, habang nag-ambag sina National U standout Aiko Urdas at Risa Sato na may tig-13 puntos para sa Water Defenders.

“Hindi ko alam, siguro talagang nakatatak na lagi sa Pocari 'yung fifth set, fourth set (ang laro) hindi kami makakuha ng straight sets eh,” sambit ni de Guzman. “Basta, wala sa akin 'yun, ang importante sa akin (manalo).”

Umusad ang Water Defenders sa 2-1 matapos mabigo sa Creamline, habang nanatiling bokya ang Lady Maroons sa dalawang laro.