ENCINITAS, Calif. (AP) – Pumanaw na si Dr. Spencer Johnson, na ang librong Who Moved My Cheese? ay bumenta ng 25 milyong kopya at naging business at self-help phenomenon.

Sinabi ng executive assistant ni Johnson na si Nancy Casey nitong Sabado na pumanaw ang awtor noong Hulyo 3 sa mga kumplikasyon ng pancreatic cancer sa San Diego-area city ng Encinitas.

In this Dec. 24, 2016, photo provided by Christian Johnson, Johnson's father Dr. Spencer Johnson sits at their home in Hawaii. Spencer Johnson, whose book Ang Who Moved My Cheese? ay manipis, 94-pahinang pabula tungkol sa mga pagbabago na kinakailangang yakapin na halaw sa istoryang isinalaysay ni Johnson sa mga kasiyahan at ginamit sa kanyang mga talumpati.

Inilathala noong 1998, tampok dito ang dalawang daga na sina Sniff at Scurry – at dalawang maliliit na tao na sina Hem at Haw -- at nangyari ang kuwento sa loob ng isang maze. Ang titulo ay sinipi sa isa sa mga katagang binitiwan ng isa sa dalawang tao, na hindi matanggap na kailangan niyang maghanap ng pagkain sa ibang lugar, sa halip na paulit-ulit na bumalik sa iisang lugar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kalaunan ay natutunan ni Haw na umalis sa kanyang nakasanayang lugar para maghanap ng keso.

“Before long, he knew why he felt good,” ayon sa akda ni Johnson. “He stopped to write again on the wall: ‘When you stop being afraid, you feel good!’’’

Ang libro ay naging cultural constant noong huling bahagi ng 1990s. Naka-display ito sa front windows ng airport bookstores, at patuloy na sinisipi sa mga talumpati sa graduation at motivational seminars, at naging go-to gift tuwing Father’s Day. Nagsulputan din ang mga parody version ng libro.

“Spencer built a fable that helps people deal with change in a really accessible way,” ani Ivan Held, president ng G.P. Putnam Sons sa Penguin Group USA, ang publisher ni Johnson, sa inihandang pahayag.

Si Johnson ay isang medical doctor na naging children’s author nang isulat ang kanyang unang hit book na The One Minute Manager, noong 1982, katuwang si Ken Blanchard.

Ang libro ay nagtuturo ng tatlong technique para maging epektibong boss, at nagpapayo ng “one-minute goals,” “one-minute praisings” at “one-minute reprimands.”

Ito ay self-published noong una ngunit lumakas ang benta sa mga convention na pinupuntahan ng mga author para magbigay ng presetlntation. Kinuha ito ng isang major publisher at patuloy na bumenta. Umabot na sa 15 milyong kopya nito ang naibebenta.

Naging puhunan ni Blanchard ang libro sa kanyang karera nang mga sumunod na dekada, in-update ang orihinal at nagsulat ng maraming spin-off.