ni Anna Liza Villas-Alavaren

Napansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patuloy na bumababa ang bilang ng mga lumalabag sa Anti-Distracted Driving Act (ADDA) sa ilalim ng no contact apprehension policy.

Sa unang araw ng pagpapatupad nito, nakuhanan ng Metrobase Command Center gamit ang kani-kanilang cell phone, ang 114 na driver, 31 sa ikalawang araw, siyam sa ikatlong araw, at tatlo sa ikaapat na araw, ayon kay Victor Nuñez, MMDA legal and legislative affairs staff head.

“We are pleased of the reported decrease. It goes to show that motorists are learning their lesson of not using their cell phones while driving,” sambit ni Nuñez.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Karamihan sa mga lumabag, ayon kay Nunez, ay mga motorcycle rider na gumagamit ng cell phone habang naiipit sa trapiko o naghihintay mag-berde ang traffic signals.